Pages

Tuesday, August 20, 2013

this time of the year


   

       What my heart is telling me to do? I don't know. Maybe I am trying too hard to hear it.


Every August I always feel this sadness . I always remember and miss the person who left us two years ago during this month and season. I still can feel the pain, I can still remember the incident, I can still feel the tears that flowed from eyes that time. - alter ego

Umuulan..... natatakot ako habang maagang gumising ng araw na yun. Kahit pagod sa nagdaang pagkapuyat alam kong kailangan kong maghanap ng donor ng dugo dahil naghihintay sya sa ospital. Naghihintay sya na masalinan ng dugo para madugtungan ang kanyang buhay.

Naglalakad ako habang umuulan. Naghahanap ng mga tao na makakatulong. Natatakot dahil baka huli na ang lahat ngunit umaasa na may paraan pa. Nang sa huli nabigo akong makakita ng tao na maaring tumulong sa kin, nakatanggap ako ng tawag mula sa aking kapatid ,sabi nya kailangan na namin pumunta  sa ospital. Hindi ko alam ang pakiramdam pero alam kong kailangan na naming pumunta ng ospital ng araw na yun. Pinuntahan ko ang aking ate upang sabihin na kailangan na naming pumunta sa ospital.

Nasa byahe kami ng muli may tumawag sa amin... ang aming isa pang kapatid na nasa ibang bansa. Umiiyak at tinatanong kami kung nasaan na kami sa oras na yun. Naguguluhan ako, bakit sya umiiyak... sabi nya sa oras na yun ay pilit na palang nire-revive ng mga doctor ang aming ina.

Habang nasa byahe kami papuntang ospital hindi ko alam gagawin ko.... gusto kong lumipad para sa isang saglit ay nasa tabi na nya kami, gusto kong huminto ang pag ikot ng mundo, gusto ko ipaalam sa buong mundo na kailangan ko ng tulong.

Pagdating naming sa ospital nakita ko sya... nakahiga walang buhay.........
Hindi ko alam ang gagawin, kung ano ang tama kong gawin...ang natatandaan ko lang sumigaw ako at umiiyak ng umiiyak.

Umiiyak ako habang bumubuhos ang malakas na ulan. Bumubuhos ang malakas na ulan kasabay ng mga patak ng luha sa mga mata ko. Wala akong nararamdaman, wala akong gustong maramdaman......

Dalawang taon na ang lumipas pero parang kahapon lang ang lahat... sariwa pa din ang sakit, sariwa pa din sa aking alaala.

Naaalala kita nanay... at sobra na kitang namimiss